MULTIPLY-SURVIVE- SUFFER CYCLE: Maging Bahagi ng SOLUSYON
May naidudulot na kasiyahan ang pagkakaroon ng isang pusa sa iyong buhay. Kaakibat ng kagalakang ito ay ang mga pangako na maibigay sa inyong bagong miyembro ng pamilya ang kanyang pangangailangan at maibigay sa kanya ang malusog na buhay. Ang spaying o neutering ng iyong mga hayop ay isa sa mga pangangailangan; neuter o kapon para sa mga lalaki at spay o laygit naman para sa mga bab ae.
Kalimitan ang pagbubuntis ng isang pusa ay nagreresulta ng pagpapalayas sa kanya sa kanyang bahay o pag aabandona ng mga kuting sa mga kalye , kung saan isang mapanganib na buhay at maagang kamatayan ang garantisadong naka abang sa mga inosenteng kuting.
Karamihan inabandunang mga hayop ay namamatay sa gutom, nakakuha ng sakit sa pamamasura, namamatay sa pamamagitan ng pagkabangga sa kotse , pagkahulog o ibang pang torturous na pagkamatay. Hindi pa kasali diyan ang panganib na nakaabang sa kanila gaya ng mga taong mapang abuso, yong mga nagtatapon ng mainit na tubig, naglalason ng pusa etc.
Sa medaling salita, sila ay nanganganak, tinatapon para maghirap sa kalye at ang mga nakakasurvive naman ay nanganganak din kung saan ang MULTIPLY-SURVIVE- SUFFER CYCLE ay umiikot. Nakakalungkot isipin pero ganito ang nangyayari kapag di sila nakapon o nalaygit. SPAY and NEUTER ang SOLUSYON.
Ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang mga ganitong pagmamalupit sa hayop ay ang pagkakapon at paglalaygit sa kanila.
So kung kayo ay nagpapakain ng mga pusa, please IKAPON and ILAYGIT na si MIMING.
Ang mga kuting, babae man o lalaki ay maari ng ilaygit kapag sila ay 6 months pataas, pero ang mga babaeng kuting ay maaring mag heat or maghanap ng mate kapag sila ay 4 months na pataas.
NAPAKADAMING BENEPISYO KAPAG KAPON/LAYGIT NA SI MIMING
Para sa mga babaeng pusa, mayroong mga sakit na maaring mapigilan kapag ang isang alagang hayop ay spayed or neutered, kagaya ng uterine infection at breast cancer. Ang pag-iwas sa mga kondisyong ito ay nakakatulong sa kanila na mabuhay ng matagal at nakakapagbigay sa kanila ng dekalidad na buhay.
Para sa mga lalaking pusa, maaring iwasan ang testicular cancer kapag sila ay neutered o nakapon. Ang iyong alagang lalaking hayop ay hindi na maglalayas upang maghahanap ng mate. Mayroong ilang mga benepisyo ng pagkakaroon ng isang alagang hayop na hindi na naghe-heat. Kapag sila ay kapon na magiging kampante ka na hindi na sila maglalayas o maaaring mapunta sa kung ano mang panganib na maaaring mukuha sa daan. Maaari silang masugatan o maaksidente sa mga lansangan.
Maaari mong maiwasan ang ingay na ginagawa nila kapag tumatawag sila ng mate. Ang mga pusa ay maaaring gumawa ng mga ingay upang tawagin ang pansin ng isa pang pusa. Siyempre, hindi mo nanaisin na magising sa mahimbing mong tulog dahil sa ingay na ito.
Isa pang benepisyo kapag ang isang alagang hayop ay hindi na naghe-heat ay maaari mong maiwasan ang mga kalat na maaaring gawin sa inyong bahay. Ang mga alagang hayop ay maaaring umihi nang mas madalas kaysa sa karaniwan kapag sila ay di nakapon. Gayundin, sa mga alagang hayop ay madalas na markahan ang kanilang mga teritoryo sa kanilang ihi. Kaya ang neutering ay makakatulong upang matanggal ang pagmamarkang ito.
Makakasave ka ng pera. Isipin ang halaga ng pagkakaroon ng dagdag pang alaga at pagpapakain kapag sila ay nanganak ng nanganak. Siguradong ito ay mas magastos kumpara sa gastos ng pagpapalaygit at pagpapakapon sa kanila.
So go.. IKAPON AND ILAYGIT na si MIMING.
Do not delay, cats do give birth 5 times a year with 5 kittens each pregnancy and kittens are capable of producing more kittens with the same cycle once they reach the maturity age of 4 months.
SO IF You are a parent of a cat or just feeding cats in your area -- SPAY and neuter them now to give a long term solution. Only you can help them... STOP the Multiply-Survive-Suffer CYCLE...and give them quality life, preventing more strays and giving the present strays more chances to be be adopted..
Kapon at Laygit ang solusyon. Let spay and neuter be the culture <3